Paglalarawan ng Pangkasaysayan at Pangkabuhayang Aspeto ng buhay ng pamayang binisita
| Mapa ng mga pwesto sa Bundok ng Kalbaryo |
Ito ay isang mapa ng pwesto sa Bundok ng Kalbaryo na nakunan namin sa mga paskin malapit sa Ciudad Mistica De Dios. Ang pamumuwesto ng mga taga-roon ay binubuo ng mga pwesto o altar ng pagdadasalan, ang lima rito ang napuntahan namin: Ciudad Mistica De Dios, Book of Life, Husgado Cave, Kalbaryo at Ilog Lagnas. Sila'y nagsasakripisyo kapag sila'y nammumuwesto.
Video tungkol sa Ciudad Mistica De Dios
Ciudad Mistica De Dios
Ito ang unang pwesto na napuntahan namin. Sinasabi na si Maria Bernarda Balitaan ang nagsimula nito simbahan at ang labing-dalawa nating bayani ay itinuturing nilang apostoles ni Hesus at ni Rizal. Makikitav nating ang isang mata na may asul at kulay pula na sumisimbolo sa Pilipinas. Ayon sa bidyo, sila Padre Gomez, Burgos, at Zamora, ang humihingi ng parokya o simbahan.
Video tungkol sa Ciudad Mistica De Dios
Ciudad Mistica De Dios
Ito ang unang pwesto na napuntahan namin. Sinasabi na si Maria Bernarda Balitaan ang nagsimula nito simbahan at ang labing-dalawa nating bayani ay itinuturing nilang apostoles ni Hesus at ni Rizal. Makikitav nating ang isang mata na may asul at kulay pula na sumisimbolo sa Pilipinas. Ayon sa bidyo, sila Padre Gomez, Burgos, at Zamora, ang humihingi ng parokya o simbahan.
Husgado Cave
Ang nasa taas ay isang mapa ng orhinal na pwesto ng Bundok Banahaw. Makikita ito malapit sa pasukan ng Husgado Cave. Ang husgado cave ay isa ring pwesto na kung saan ang mga deboto ay nagdadasal doon at ginagawang panata ang pagpasok sa cave. Ang loob nito ay sobrang sikip kaya mahihirapan kang gumalaw, may iba't-ibang pwesto para makalabas ka nang walang sugat. Sinasabi na kapag nagkaroon ka ng sugat ay isa kang makasalanan
Krus sa kalbaryo
Ang kalbaryo ay isa ring pwesto na kung saan nagsasakripisyo ang mga deboto sa pamamagitan ng pagdadala ng bato malaki o maliit man lang ito. Isa nila itong panata sapagkat, ang kalbaryo ay matarik at mahaba-haba ang lalakarin ninyo. Sa taas, linalagay ang mga bato sa baba ng krus at doon ay magdadasal sila.
Ilog Lagnas
Bago kami bumaba sa hagdanan patungo sa Ilog Lagnas ay nadaanan namin ang mga tinda ng mga iilang tao roon kagaya ng mga bracelet, mga kwintas, banana cue, palamig, ube at marami pang iba na pwede sa demand ng tao. Ang kanilang mga hanapbuhay ay dumedepende sa dami ng taong pupunta sa kanilang komunidad at kikita sila.
Ang Ilog Lagnas ay binubuo muna ng mga hagdanan na ang bilang ay 270 bago makapunta roon, ang tubig rito ay sobrang lamig at binubuo ng maraming bato. Papaliguan ka muna sa balbas ng ama na kung saan ang tawag nila ay shower. Sinasabi nila na ang tubig ay nakakapagpagaling, marahil ay tama sapagkat napawi lahat ng pagod namin na kami'y nagtampisaw at naligo sa Ilog Lagnas.






Walang komento:
Mag-post ng isang Komento